Bakuna kontra COVID-19 posibleng maging available na sa Setyembre
Maaring magkaroon na ng available na bakuna kontra COVID-19 sa buwan ng Setyembre.
Ayon kay Sarah Gilbert, professor of vaccinology sa Oxford University inaasahan nilang sa Setyembre ay magiging available na ang bakuna.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ng human testing sa nilikhang bakuna ng Oxford.
Mahigit 1,000 katao ang participants sa trial.
Sa susunod na buwan ay inaasahang sisimulan na ang produksyon ng milyon-milyong bakuna.
Ang pinakamalaking drugmaker sa mundo na naka-base sa India ang magpo-produce ng bakuna na likha ng Oxford.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.