Kaso ng COVID-19 sa Cebu City mahigit 500 na
By Dona Dominguez-Cargullo April 29, 2020 - 07:08 AM
Umabot na sa mahigit 500 ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa Cebu City.
Sa magdamag ay nakapagtala ng 73 panibagong kaso ng sakit kaya umabot na sa 548 ang confirmed COVID cases sa lungsod.
Ayon kay Cebu City Mayor Edgar Labella, tumaas ang kaso matapos makapagsagawa ng mass testing sa ilang mga barangay at sa Cebu City Jail.
Pinakamaraming kaso sa Barangay Labangon na mayroong 102.
Sa ngayon ay naka-lockdown na ang barangay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.