Bilang ng nasawi sa US dahil sa COVID-19 mahigit 58,000 na

By Dona Dominguez-Cargullo April 29, 2020 - 06:44 AM

Umabot na sa mahigit 58,682 ang bilang ng mga nasawi sa US dahil sa COVID-19.

Nahigitan na ng COVID-19 death toll ang bilang ng mga nasawi sa US noong Vietnam War na umabot sa 58,220.

Sa nakalipas na magdamag ay nakapagtala ang US ng panibagong 1,885 na nasawi dahil sa COVID-19.

May naitala ring mahigit 20,200 na kaso.

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 1,030,600 ang kumpiradong kaso ng COVID-19 sa US.

Sa nasabing bilang ay mayroong mahigit 140,000 na naka-recover at mahigit 831,000 pa ang aktibong kaso.

 

 

 

 

TAGS: covid cases, covid patients, US, covid cases, covid patients, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.