LPA binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Mindanao
Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Davao del Sur.
Huling namataan ang LPA sa layong 910 kilometers East Southeast ng Davao City.
Ayon sa PAGASA, mababa naman ang tsansa na na magiging bagyo ang LPA na ngayon ay nakapaloob sa Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ).
Isa pang weather system na binabantayan ng PAGASA ang northeasterly surface windflow na nasa extreme northern Luzon.
Para sa magiging lagay ng panahon ngayong araw, ang Batanes at Babuyan Group of Islands ay makararanas ng maulap na papawirin na mayroong isolated na mahihinang pag-ulan.
Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng Luzon ay makararanas lang ng isolated na pag-ulan o thunderstorms.
Dahil naman sa ITCZ, ang Davao Oriental, Davao Occidental at Sarangani ay makararanas ng maulap na papawirin na mayroong isolated na pag-ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.