Ito ang magandang balita mula sa Department of Health (DOH) ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora.
Ayon kay Zamora bumababa na ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa San Juan.
Siyam na araw na ring hindi nakapagtatala ng nasawi sa COVID-19 sa lungsod.
Sa kabila nito, sinabi ni Zamora na hindi dapat magpapakakampante.
Patuloy aniya ang ginagawa ng lokal na pamahalaan na palawakin pa ang pag-test sa mga may sintomas, mga PUM na may direct exposure, at mga frontliners na maaaring magpataas muli ng bilang ng mga confirmed cases.
Mayroong 277 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa San Juan.
Sa nasabing bilang ay 48 ang naka-recover at 35 ang nasawi.
MOST READ
LATEST STORIES