Maynila nakapagtala ng 15 pang panibagong kaso ng COVID-19

Nadagdagan pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Maynila.

Nakapagtala ng dagdag na 15 kaso ng COVID-19 sa lungsod kaya umabot na sa 659 ang total confirmed cases.

Sa nasabing bilang, 90 ang naka-recover na, 60 ang nasawi at mayroon pang 509 na aktibong kaso.

Nananatiling ang Sampaloc ang may pinakamaraming kaso na umabot n asa 103.

Mayroon ding 955 suspected cases ng COVID sa lungsod at 11 probable cases.

 

 

 

 

Read more...