El Niño, maaring masundan agad ng La Niña

el-ninoBagaman patuloy pa ring umiiral ang El Niño phenomenon, inaasahan na ng mga eksperto ang agad na pag-buntot ng La Niña sa mga susunod na buwan.

Ayon sa National Weather Service’s Climate Prediction Center (CPC) sa United States, inaasahang magbabalik na ang La Niña makalipas ang apat na taon, at agad itong susunod pagkatapos ng isa sa pinakamatinding El Niño na naiulat.

Una nang napaulat na mas maagang matatapos ang El Niño, dahil baka mawala na ito pagdating ng late spring o early summer, pero pagdating naman ng autumn, susundan agad ito ng La Niña sa Northern Hemisphere.

Kapag mayroong La Niña, lumalamig ang temperatura ng dagat, at bagaman mas kaunti ang dulot nitong pinsala, ito naman ang responsable sa mga pag-baha, tagtuyot at mga bagyo.

Huling umiral ang La Niña noong August 2011 hanggang March 2012, na ikinasira ng mga taniman ng mais at soybean sa Argentina at Brazil.

Ito rin ang humatak sa mas marami at malalakas na bagyo sa US coastal regions, tulad na lamang ng Hurricane Irene.

Read more...