Tatlong frontliner sa Bicol region, positibo sa COVID-19
Nagpositibo sa COVID-19 ang tatlong frontliner sa Bicol region.
Ayon sa Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) – Bicol, ang tatlong bagong kaso ay residente sa Albay; dalawa sa Legazpi City at isa sa Ligao City.
Dahil dito, hanggang 5:00, Martes ng hapon (April 28), nasa 38 na ang confirmed COVID-19 cases sa naturang rehiyon.
Naitala ang mga kaso ng nakakahawang sakit sa mga sumusunod na lugar:
– Catanduanes – 1
– Camarines Sur – 7
– Albay – 30
Sa ngayon, apat ang naka-confine sa pagamutan at apat din ang nakasailalim sa quarantine.
Ayon pa sa DOH CHD – Bicol, siyam na residente sa rehiyon ang ikinokonsidera bilang suspected case.
Nasa 26 pasyente naman ang gumaling sa COVID-19 pandemic sa Bicol at apat ang nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.