PNP, tiniyak na walang special arrangements sa mga kandidato

By Ruel Perez February 13, 2016 - 05:09 AM

July 27, 2015 PNP Director Ricardo Marquez inspects the security around Batasan during President Benigno aquino's last State of the Nation Address. INQUIRER/ MARIANNE BERMUDEZ
INQUIRER/ MARIANNE BERMUDEZ

Nilinaw ni PNP chief Director General Ricardo Marquez na wala silang ibinibigay na special security arrangements lalong lalo na sa mga presidential candidates na mangangampanya sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ayon kay Marquez, normal namang binibigyan ng seguridad ng PNP kapag may mga rally sa mga lugar kung saan nangangampanya ang mga kandidato.

Aniya, bahagi ng kanilang mandato na protektahan at bigyang seguridad ang bawat isa at tiyakin na walang anumang mga untoward incidents na mangyayari.

Binigyang diin ni Marquez na ang kanilang ginagawa ay normal na police operation lamang at bahagi ito ng kanilang election package.

Pagtiyak ni PNP chief na sinumang kandidato na magsasagawa ng rally sa isang lugar, ay kanilang bibigyan ng kaukulang seguridad ma-opposition man o administration candidates.

TAGS: 2016 elections, 2016 elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.