Umabot na sa 277 ang bilang ng kumpirmadong tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ng Laguna.
Batay sa huling datos ng Laguna Provincial Health Office hanggang 8:00, Martes ng gabi (April 28), 136 ang naka-confine pa sa mga ospital at 56 ang nakasailalim sa home quarantine o nananatili sa isolation facility.
35 ang napaulat na probable cases habang 815 ang suspected cases.
Pinakamarami pa ring tinamaan ng COVID-19 pandemic sa San Pedro na may 46 cases.
Narito naman ang datos sa ibang lugar sa Laguna:
– Los Baños – 35
– Calamba – 30
– Biñan – 29
– Sta. Rosa – 26
– Sta. Cruz – 19
– San Pablo – 15
– Cabuyao – 12
– Pila – 8
– Calauan – 6
– Liliw – 6
– Lumban – 6
– Victoria – 6
– Bay – 5
– Pagsanjan – 5
– Majayjay – 4
– Nagcarlan – 4
– Alaminos – 3
– Kalayaan – 3
– Cavinti – 2
– Paete – 2
– Pakil – 2
– Famy – 1
– Mabitac – 1
– Rizal – 1
Samantala, nasa 59 residente sa lalawigan ang naka-recover sa COVID-19 at 26 naman ang pumanaw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.