12,000 graduates sa mga pampublikong paaralan sa Makati, bibigyan ng cash incentives

Magbibigay ang pamahalaang lungsod ng Makati ng karagdagang benepisyo para sa mag-aaral na nagtapos sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.

Ayon kay Mayor Abby Binay, mahigit 12,000 graduates ng Grade 6 at 12 sa public school sa Makati ang pagkakalooban ng cash incentives.

Idindetalye naman ng Makati LGU kung paano makukuha ang benepisyo:
– Pumunta sa portal na www.proudmakatizen.com
– I-click ang Student Portal, at i-type ang 12-digit na Learner Reference Number (LRN)
– I-click ang Option 1 kung nais matanggap ang incentive sa pamamagitan ng GCash
– I-click ang kaukulang phone type na gamit ng magulang
– I-type ang hinihinging detalye ng magulang (last name, first name, middle name, birthdate, address at numero ng cellphone)

Pagkatapos nito, kumpirmahin muna kung tama ang lahat ng inilagay na datos at saka ito i-submit.

Read more...