QC gov’t, nag-iimbestiga na sa ulat na umano’y pambubugbog sa isang hinihinalang lumabag sa quarantine

By Angellic Jordan April 28, 2020 - 06:44 PM

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Quezon City government hinggil na sa napaulat na umano’y pambubugbog ng ilang otoridad sa isang hinihinalang lumabag sa enhanced community quarantine protocols.

Sa kumalat na video sa social media, makikitang nakapalibot ang mga otoridad sa isang lalaki na sinasabing lumabag sa panuntunan sa quarantine.

Maririnig pa sa video ang reaksyon ng mga residente sa lugar na tutol sa ginagawa ng mga otoridad para mahuli ang lalaki.

Naganap ang insidente sa bahagi ng MPlace Condominium sa Panay Avenue, Barangay South Triangle.

“The City Government shall never condone any acts of violence or violation of human rights, regardless of reason or justification, especially when committed by an official or employee of the City Government or any of the City’s Barangays,” pahayag ng QC LGU.

Tiniyak pa nito na sasampahan ng kaukulang kaso ang sinumang dapat managot sa insidente.

“While the City Government reiterates its resolve to fully enforce ECQ protocols at this time of the COVID-19 pandemic, all its personnel and agents are strongly reminded to always conduct themselves with proper decorum and restraint, and to observe compassion and tolerance, especially in these difficult times,” dagdag pa ng QC government.

TAGS: alleged quarantine violation, Inquirer News, QC government, Radyo Inquirer news, alleged quarantine violation, Inquirer News, QC government, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.