COVID-19 cases sa Singapore, nadagdagan pa ng 528
Patuloy ang paglobo ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa Singapore.
Sa abiso ng Ministry of Health sa Singapore hanggang 12:00, Martes ng tanghali (April 28), 528 ang panibagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa naturang bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 14,951 ang kabuuang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.
Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.
Sa nasabing bilang, sinabi ng Ministry of Health na walo ay Singaporean o permanent residents.
Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.