Heat index sa Metro Manila, umabot sa 38 degrees Celsius
Naging mainit at maalinsangan pa rin ang naramdamang panahon sa Metro Manila, araw ng Martes (April 28).
Ayon sa PAGASA, umabot sa 38 degrees Celsius ang naitalang heat index sa bahagi ng Science Garden, Quezon City bandang 1:50 ng hapon.
Mas mataas ito kumpara sa naitalang heat index na 37 degrees Celsius kahapon, araw ng Lunes (April 27).
Samantala, umabot naman sa 35.4 degrees Celsius ang naitalang maximum temperature sa nasabing lugar.
Paalala ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan na muna ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.