Kaso ng COVID-19 sa Western Visayas, nasa 63 na

Nadagdagan pa ng isa pasyente ang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development, ang bagong kaso ay isang 28-anyos na babae at residente ng Jaro, Iloilo City.

Sa ngayon, nananatili ang pasyente sa isang quarantine facility sa probinsya.

Samantala, wala namang napaulat na bagong nasawi bunsod ng nakakahawang sakit.

Nanatili rin sa 24 ang bilang ng gumaling na pasyente sa Western Visayas sa COVID-19 pandemic.

Read more...