Guidelines para sa mga manggagawa na magbabalik trabaho sa May 1, dapat ilatag ng IATF

By Erwin Aguilon April 28, 2020 - 03:49 PM

Pinaglalatag ng guidelines ni House Deputy Majority Leader Bernadette Herrera ang Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases para sa mga manggagawang babalik na sa kani-kanilang mga trabaho sa mga lugar na hindi na sakop ng enhanced community quarantine pagsapit ng Abril 30.

Ayon kay Herrera, dapat makasama sa naturang guidelines ang pag-obliga sa mga pribadong kompanya at local government units na isailalim sa COVID-19 rapid testing ang kanilang mga empleyado.

Para matulungan ang mga pribadong kompanya sa gagastusin sa COVID-19 rapid tests ng mga empleyado, sinabi ni Herrera na maaring magbigay ng tax credit o anumang incentive ang pamahalaan.

Sa ganitong paraan ay hindi aniya ipapasa naman sa mga mamimili ang ginastos ng mga kompanya para sa testing ng kanilang mga empleyado, at para na rin hindi pa tumaas ang inflation rate.

Iginiit ni Herrera na ang magnenegatibo lamang sa COVID-19 ang siyang dapat pahintulutang makabalik sa trabaho, habang ang mga magpopositibo naman ay dapat kaagad na maidala sa mga ospital o quarantine facilities.

TAGS: COVID-19 rapid testing, enhanced community quarantine, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Bernadette Herrera, COVID-19 rapid testing, enhanced community quarantine, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Bernadette Herrera

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.