Ayon kay Salceda, dapat na “matter of public interest” ang pagtulong sa micro-small and medium enterprises o MSMEs laban sa epekto ng COVID-19 sa mga negosyo.
Dahil dito, hiniling ni Salceda na tulungan ng gobyerno ang MSMEs sa pamamagitan ng murang pautang, credit mediation, refinancing at bailouts.
Sabi ni Salceda, 99% ng mga negosyo sa Pilipinas ay napapabilang sa MSMEs na kung saan tinatayang nasa 65 porsyento ng mga manggagawa sa bansa ay empleyado ng mga ito.
Kung hahayaan aniya na magsara ang mga maliliit na negosyo ay magkakaroon ng pagliit sa suplay na mas matagal ang itatagal na negatibong epekto sa ekonomiya.
Giit nito, mas madaling i-preserve o panatilihin ang mga maliliit na negosyo sa pamamagitan ng mga ibibigay na ayuda kumpara sa paglikha muli ng mga bagong negosyo at trabaho na mas malaki naman ang gagastusin ng pamahalaan.