Sa online press conference, sinabi ni NCRPO chief Police Maj. Gen. Debold Sinas na halos 45 na araw nang nagtatrabaho ang mga pulis sa kanilang hanay.
Kailangan din aniyang mabigyan ng pahinga ang mga pulis.
“Ang ni-request ko lang sa Joint Task Force NCR at saka sa Camp Crame, kaya kami nanghinga ng reinforcement kasi 45 days straight na po ‘yung mga pulis ng NCRPO na naggugwardiya. Kailangan din siguro ng konting pahinga kaya kami nag-submit ng request of augmentation para po mapagbigyan naman namin ‘yung mga tao na makapag-relax naman kasi sobrang haba na e,” pahayag ni Sinas.
Binabantayan din aniya ng NCRPO ang mental health ng mga pulis na naka-deploy sa mga checkpoint.
“Kung ibibigay ng Camp Crame, maligaya kami. Kung hindi po ibibigay ay tuloy po ang trabaho po namin,” dagdag pa nito.