Pagsusuot ng body camera ng mga pulis muling iginiit
Muling iginiit ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon ang pagsusuot ng body cameras ng mga law enforcer.
Ayon kay Biazon, kailangang magsuot ng body cameras ang mga otoridad sa tuwing may gagawing operasyon bilang proteksyon na rin ng publiko at mismong mga tagapagpatupad ng batas.
Ang video na inilabas ng residente na si Javier Salvador Parra na nakabangga ng pulis sa isang exclusive subdivision sa Makati ay nagbigay ng negatibong pagtingin sa mga otoridad.
Mabuti na lamang din at may isa pang video sa panig ng pulis na kung saan nakita naman na mahinahon itong nakipagusap sa residente bago naganap ang pag-aresto.
Kung may body cameras ang mga otoridad tuwing may operation ay tiyak aniya na maidodokumento ang tunay na pangyayari sa bawat insidente.
Noon pang 2016 inihain ni Biazon ang panukala para sa pagkakaroon ng body cameras ang mga pulis pero hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ito naipapasa ng Kongreso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.