Tatlong bakuna kontra COVID-19 nasa 2nd phase na ng trial sa China

Tatlo bakuna kontra COVID-19 ang nasa ikalawang bahagi na ng clinical trial sa China.

Sasailalim pa ang nasabing mga bakuna sa mas masusing research para matiyak ang kaligtasan nito at ang pagiging epektibo.

Sa ngayon mayroong limang uri ng bakuna na binubuo sa China.

Sumasailalim na rin sa testing sa China ang plasma transfusion, stem cell therapy at monoclonal antibodies para panlaban sa COVID-19.

 

 

 

 

 

Read more...