20 nagpositibo sa community-based testing sa QC
By Dona Dominguez-Cargullo April 28, 2020 - 10:33 AM
Umabot sa 20 na ang nagpositibo sa isinasagawang community-based testing ng Quezon City.
Sa 1,649 na naisagawang swab tests, umabot na sa 221 ang swab results na natanggap ng lungsod.
Sa nasabing bilang, 201 ang nag-negatibo at 20 ang positibo.
Araw-araw na nagsasagawa ng swab tests ang Quezon City government sa kanilang community-based testing na inumpisahan noong April 13.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.