Ang nasabing mga cruise ship ay may lulang Filipino Seafarers at nakatakda silang bumaba ng barko.
Sinabi ng coast guard na nakikipag-ugnayan sila sa Bureau of Quarantine (BOQ) para matiyak na masusunod ang health protocols sa pagpapababa sa mga Pinoy crew.
Mananatiling nakabantay ang coast guard hanggang sa pagbiyahe sa mga crew patungo sa quarantine facility kung saan sila sasailalim sa mandatory 14-day na quarantine.
Kabilang sa mga barkong nakadaong ngayon sa Manila Bay ang Carnival Spirit, Sapphire Princess, Voyager of the Seas, MV Cunard Princess at tatlong iba pa.
Tinatayang 428 na Pinoy crew ang nauna nang nakababa mula sa isa sa mga cruise ship nitong nagdaang weekend.
Isa-isang kailangang i-check ng BOQ ang health condition ng mga Pinoy crew bago sila mabigyan ng clearance.