Ayon kay New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern nagawa nilang talunin ang sakit.
Inanunsyo din ni Ardern ang pagbawi na sa ilang umiiral na restrictions sa New Zealand.
Sa ngayon ay hindi na pinangangambahan ang paglaganap ng o pagkakaroon ng community transmission ng sakit.
Sa kabila nito sinabi ni Ardern na dapat manatiling alerto at maingat ang mga mamamayan.
Ang New Zealand ay nagkaroon lamang ng 89 na kaso ng COVID-19.
Labingsiyam sa mga pasyente ang pumanaw.
MOST READ
LATEST STORIES