COVID-19 cases sa buong mundo mahigit 3 milyon na
Umabot na sa mahigit 3 milyon ang kabuuang bilang ng nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Sa pinakahuling datos ng Johns Hopkins University, umabot na sa 3,034, 801 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Ang bilang ng mga nasawi ay umabot na sa mahigit 210,000.
Habang mayroon namang nakarecover na mahigit 919,000.
Sa pinakahuling datos, mayroon pang mahigit 1.9 million na aktibong kaso ng COVID-19.
Sa nasabing bilang, mahigit 1.8 million ang mild lamang ang kondisyon ng pasyente at mahigit 56,000 ang kritikal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.