Modified quarantine posible ayon kay Pangulong Duterte

Ipinahiwatig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibilidad ng pagdedeklara ng modified quarantine na magpapagaan sa mga umiiral na restrictions sa maraming lugar sa bansa.

Sa kaniyang televised public address binanggit ng pangulo ang posibilidad na magkaroon ng partial opening.

Partikular na binanggit ng pangulo ang pagbabalik sa trabaho ng ilan gaya ng mga construction worker.

“We might open partially — construction workers and things like that… You wait for the… It will come out. It will be a modified quarantine,” ayon sa pangulo.

Ang mga sektor aniya na hindi naman crowded ay maaring payagan nang makabalik sa operasyon.

Magugunitang extended ang pag-iral ng enhanced community quarantine hanggang May 15 sa Metro Maninla, Calabarzon, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Albay, at Catanduanes.

 

 

 

Read more...