Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Laguna umabot na sa 270

Muling nadagdagan ang bilang ng nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Lokal na pamahalaan ng Laguna, pumalo na sa 270 ang kabuuang kaso (Lunes, April 27 8:00 PM).

Ang mga lugar na may kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay ang sumusunod:

San Pedro – 42
Los Banos-34
Calamba – 30
Biñan – 27
Santa Rosa – 26
Santa Cruz – 19
San Pablo – 15
Cabuyao – 12
Pila – 8
Calauan-6
Liliw – 6
Lumban – 6
Victoria – 6
Bay – 5
Pagsanjan – 5
Majayjay – 4
Nagcarlan – 4
Alaminos – 3
Kalayaan – 3
Cavinti – 2
Paete – 2
Pakil – 2
Famy – 1
Mabitac – 1
Rizal – 1

Sa nasabing bilang 133 pa ang naka-admit sa mga ospital, 56 ang sumasailalim sa home quarantine at 55 na ang naka- recover.

Nasa 26 naman na ang bilang ng nasawi, 786 ang suspected cases at 35 ang probable cases sa lalawigan.

 

 

Read more...