Jose Abad Santos, Davao Occidental dalawang beses niyanig ng lindol

Dalawang beses niyanig ng lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.4 na pagyanig sa 167 kilometers Southeast ng bayan ng Jose Abad Santos, alas-12:30 madaling araw ng Martes (April 28) at may lalim na 9 kilometers.

Sumunod naman na naitala ang magnitude 3.1 na pagyanig sa 104 kilometers Southeast ng bayan pa rin ng Jose Abad Santos, ala-1:47 ng madaling araw at may lalim na 58 kilometers

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

 

 

Read more...