Bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19, 84 na

Nadagdagan pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Sa huling datos mula sa PNP (Lunes, April 27 6PM) umakyat na sa 84 ang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 .

Sa nasabing bilang ay mayroong 12 pulis na nakarecover na habang may tatlong nasawi.

Tumaas din ang bilang ng probable case ng COVID-19 sa PNP na nasa 149 na at 546 naman ang suspected case.

Pinayuan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.

Read more...