LOOK: Limang lugar na nakaranas ng pinakamaalinsangang panahon ngayong Lunes, April 27
Nakaranas ng mainit at maalinsangang panahon ang ilang lalawigan sa Luzon, araw ng Lunes (April 27).
Batay sa datos ng PAGASA, limang Synoptic Stations ng weather station ang nakapagtala ng pinakamaalinsangang panahon sa Lunes.
Naitala ang pinakamataas na heat index sa bahagi ng San Jose, Occidental Mindoro kung saan umabot sa 50 degrees Celsius bandang 11:00 ng umaga.
Narito ang naitalang heat index sa iba pang lugar:
– Ambulong, Tanauan City – 47 degrees Celsius dakang 2:00 ng hapon
– Sangley Point, Cavite City – 44 degrees Celsius dakong 11:00 ng umaga
– Calapan City – 43 degrees Celsius dakong 2:00 ng hapon
– Puerto Prinsesa City – 43 degrees Celsius dakong 2:00 ng hapon
Ayon sa PAGASA, mapanganib ang dulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees Celsius ang heat index.
Dahil sa sobrang init, maaari anilang magdulot ito ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.
Paalala ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang physical activities tuwing tanghali at hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.