Bilang ng Filipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19, nadagdagan pa ng 52
Nadagdagan nang 52 ang bilang ng mga Filipino na apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 27, nasa 1,395 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 44 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 829 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Ayon sa DFA, 380 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
186 naman ang bilang ng Pinoy abroad na nasawi dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Europa na may 441 na kaso.
Nanatili sa 327 ang confirmed COVID-19 positive na OF sa Asia Pacific Region haban 328 cases naman sa Americas.
Sa Middle East/Africa, nasa 299 pa rin ang naitalang kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.