Ayon kay Atty. Michael Camiña, tagapagsalita ng Makati City LGU, agad pinaimbestigahan ng alkalde ang insidente.
Sa ulat ng pulisya, nag-ugat ang pagtatalo ng pulis at residenteng Javier Salvador Parra nang makita ng mga otoridad na walang suot na face mask ang kasambahay nito habang nagdidilig sa labas ng bahay.
Ayon kay Camiña, isasampa ang karampatang kaso sa dapat panagot pagkatapos ng imbestigasyon.
“The law must be upheld at all times, most especially during a public health emergency where the welfare and safety of the people are of paramount concern,” dagdag pa nito.
Muli namang hinikayat ng Makati City government ang mga residente sa lungsod na sundin ang mga ipinatutupad na panuntunan sa kasagsagan ng enhanced community quarantine.
Kabilang na anila rito ang pagsusuot ng face mask at social distancing.