Mayor Abby Binay, pinaiimbestigahan na ang insidente sa Dasmariñas Village

By Angellic Jordan April 27, 2020 - 03:36 PM

Ipinag-utos na ni Mayor Abby Binay sa Makati Police ang nangyaring gulo sangkot ang isang pulis at residente sa bahagi ng Dasmariñas Village.

Ayon kay Atty. Michael Camiña, tagapagsalita ng Makati City LGU, agad pinaimbestigahan ng alkalde ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, nag-ugat ang pagtatalo ng pulis at residenteng Javier Salvador Parra nang makita ng mga otoridad na walang suot na face mask ang kasambahay nito habang nagdidilig sa labas ng bahay.

Ayon kay Camiña, isasampa ang karampatang kaso sa dapat panagot pagkatapos ng imbestigasyon.

“The law must be upheld at all times, most especially during a public health emergency where the welfare and safety of the people are of paramount concern,” dagdag pa nito.

Muli namang hinikayat ng Makati City government ang mga residente sa lungsod na sundin ang mga ipinatutupad na panuntunan sa kasagsagan ng enhanced community quarantine.

Kabilang na anila rito ang pagsusuot ng face mask at social distancing.

TAGS: Atty. Michael Camiña, dasmariñas village, enhanced community quarantine, Javier Salvador Parra, makati pnp, Mayor Abby Binay, Atty. Michael Camiña, dasmariñas village, enhanced community quarantine, Javier Salvador Parra, makati pnp, Mayor Abby Binay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.