Ayon kay Communications Secretary Sonny Coloma, sinabi sa kanya ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. na nasa legal staff na ng Office of the President ang draft EO.
Ayon kay Coloma, ang naturang draft ay binalangkas ng Department of Budget and Management o DBM para ipatupad ang SSL4 na hindi naipasa sa kongreso.
Layon ng Executive Order na ipatupad ang 1st tranche ng SSL4 na nabigyan na ng budget ng kongreso sa ilalim ng 2016 General Appropriations Act.
Matatandaang nabigo ang kongreso na maisabatas ang SSL4 matapos na harangin ni Senador Antonio Trillanes IV dahil sa hindi naisingit na pension para sa mga retiradong sundalo at iba pang unipormadong personnel.
Sa ilalim ng 2016 budget, P57 billion ang inilaan para sa dagdag sahot sa mga empleyado ng gobyerno.