EO para sa dagdag sahod sa mga govt employees, pinag-aaralan na ng Malakanyang

By Alvin Barcelona February 12, 2016 - 04:34 PM

ssl 2015Inaalam na ng legal team ng Malakanyang kung uubra ang draft ng Executive Order (EO) na magpapatupad sa salary standardization law 4 o SSL4 para sa mga empleyado ng gobyerno.

Ayon kay Communications Secretary Sonny Coloma, sinabi sa kanya ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. na nasa legal staff na ng Office of the President ang draft EO.

Ayon kay Coloma, ang naturang draft ay binalangkas ng Department of Budget and Management o DBM para ipatupad ang SSL4 na hindi naipasa sa kongreso.

Layon ng Executive Order na ipatupad ang 1st tranche ng SSL4 na nabigyan na ng budget ng kongreso sa ilalim ng 2016 General Appropriations Act.

Matatandaang nabigo ang kongreso na maisabatas ang SSL4 matapos na harangin ni Senador Antonio Trillanes IV dahil sa hindi naisingit na pension para sa mga retiradong sundalo at iba pang unipormadong personnel.

Sa ilalim ng 2016 budget, P57 billion ang inilaan para sa dagdag sahot sa mga empleyado ng gobyerno.

TAGS: SSL, SSL4, SSL, SSL4

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.