Kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City, 85 na

Nadagdagan na ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Valenzuela City.

Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), isa ang panibagong napaulat na positibo sa nakakahawang sakit.

Ang bagong kaso ay isang 44-anyos na babae, asawa ng ika-18 COVID-19 patient sa lungsod.

Tiniyak naman ng CESU na patuloy ang pagsasagawa ng contact tracing at pag-monitor sa mga pasyente.

Hanggang 12:00, Lunes ng tanghali (April 27), nasa 85 na ang tinamaan ng COVID-19 pandemic sa Valenzuela City.

Read more...