Philippine Consulate General sa Hong Kong, may paalala ukol sa passport appointment system
Nagpaalala ang Philippine Consulate General sa Hong Kong hinggil sa passport appointment system.
Ayon sa konsulado, may ilang indibidwal ang naniningil ng 40 Hong Kong dollars pataas para mapalista gamit ang passport appointment system.
Nilinaw ng konsulado na libre at walang bayad ang paggamit ng naturang sistema.
“Itinalaga ito upang ang sistema ay maging maayos at patas,” pahayag ng konsulado.
Babala nito, sinumang mahuling naniningil ng bayad ay posibleng masampahan ng kasong fraud.
Nakikipag-ugnayan na ang konsulado sa mga otoridad para mahinto ang pananamantala.
Dagdag pa nito, agad i-report sa konsulado sakaling singilin sa passport appointment system.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.