44 POGO workers na nahuli sa Parañaque kakasuhan ng pamahalaan

By Chona Yu April 27, 2020 - 12:18 PM

Tiniyak ng Malakanyang na sasampahan ng kaukulang kaso ang 44 illegal POGO workers na nadakip sa Parañaque.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, malinaw na paglabag ito sa Bayanihan to Heal as One Act.

Sinab pa ni Roque na maaring maging basehan sa kaso ang paglabag sa enhanced community quarantine.

Maari aniyang malitis at maparusahan ang sinuman na lalabag dito.

“Well, mayroon po tayong Bayanihan We Heal as One Act na kapag nagsabi na ikaw ay lumabag sa isang palatuntunan dito sa panahon ng emergency na ito ay pupuwede kang maparusahan. So, iyong violation of quarantine po ay puwedeng maging basehan para malitis at maparusahan ang kahit sinuman,” ayon kay Roque.

Una nang humirit ang Bureau of Immigration na ipadeport ang 44 POGO workers sa China.

Sa ilalim ng ECQ, bawal ang operasyon ng POGO.

 

 

 

:

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Paranaque, pogo workers, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Paranaque, pogo workers, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.