Hindi papayag ang Malakanyang na magbalik operasyon na ang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi importante ang POGO at nasa non-essential industry at kasama sa negative list.
Pasok din kasi aniya ang POGO sa kategoryang amusement and leisure na bawal pa rin sa mga itinatakdang guidelines ng GCQ.
“Hindi pa po kasi yan po ay amusement at leisure so hindi pa yun… nasa negative list pa rin po yan kasama ng eskwelahan, yung mga pagsambang relihiyoso, at yng mga mga industriya para sa mga bata, at tsaka Turismo ganun rin po ang Turismo bagamat meron ng general community quarantine bagamt pwe-pwedeng humingi ng exemption o authority and PAGCOR at ang ibat-ibang mga POGO pero wala po pong ganyan desisyon ang IATF,” ayon kay Roque.
Bukod sa POGO, nasa negative list din aniya ng gcq ang mga eskwelahan, religious activities na may mga malalaking pagtitipon, mga industriya para sa mga bata pati na ang sa industriya ng turismo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.