Pagpapaunlad sa mga lalawigan, kailangan para sa Balik-Probinsya program
Tatlong bagay ang dapat gawin ng pamahalaan upang mag engganyo ang publiko para panukalang Balik-Probinsya Program.
Ayon kay House Committee on Ways and Means Chair at Albay Rep. Joey Salceda, ang mga ito ay mobility, oportunidad at kalidad ng buhay.
Isa aniya sa mga repormang itinutulak ng Kongreso lalo na ang Corporate Income Tax and Incentives Reform Act (CITIRA) ay para sa pagpapa-unlad ng mga lalawigan.
Nakapaloob sa CITIRA ang pagbibigay ng insentibo sa mga proyekto at negosyong lilipat o itatayo sa mga karating na lugar ng Metro Manila at sa iba pang mga rehiyon.
Gayundin sa mga mamumuhunan sa agribusiness at magtatayo sa mga lugar na bumabangon mula sa armed conflict o kalamidad.
Kasabay nito’y sinabi ng kongresista na kailangan ring mamuhunan sa technical skills at pagpapabuti ng public education at agricultural modernization.
Dapat palakasin rin ang ugnayan ng urban at rural areas sa pamamagitan ng mabilis na internet sa mga probinsya at pagtatayo ng imprastraktura kabilang ang transportasyon.
Binigyang diin nito na kailangang i-adopt ang “build it and they will come” approach sa Balik Probinsya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.