Iisang dagat video ng Chinese embassy bahagi ng karapatan ng malayang pananalita ayon sa Malakanyang

Iginagalang ng Malakanyang ang pag-ere ng Chinese Embassy sa iisang dagat na music video kung saan tampok ang Filipino artist na si Imelda Papin.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi kailangan komonsulta o humingi ng permiso ang Embahada ng China sa bansa dahil dahil bahagi ito ng karapatan sa malayang pananalita base na rin sa nakasaaad sa Bill of Rights sa Saligang Batas.

Sinabi pa ni Roque mismong ang Korte Suprema na ang nagsabi na lahat ng karapatan sa ilalim ng Bill of Rights ay ibinibigay din sa mga dayuan na nakatira sa Pilipinas.

“Hindi po dahil sa ating Saligang Batas naman lahat tayo merong karapatan ng malayang pananalita. Ang isang video po kasama yung mga awitin ay kabahagi po yan ng karapatan ng malayang pananalita at ang sabi po ng ating Korte Suprema, lahat po ng ating karapatan sa ating bill of rights ay binibigay natin sa ating mga dayuhan na naninirahan dito sa ating bayan,” ayon kay Roque.

Umani ng pinakamaraming dislike ang iisang dagat music video dahil mistulang pagyurak umano ito sa soberanya ng Pilipinas pati na ang isyu sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Mismong si Chinese Ambassador Huang Xilian ang sumulat ng kanta.

 

 

 

Read more...