Maraming senador ang gusto nang magbalik sa trabaho – Sotto

By Jan Escosio April 27, 2020 - 11:25 AM

Tiwala si Senate President Vicente Sotto III na marami sa mga kapwa niya senador ang dadalo sa pagbabalik sesyon ng Kongreso sa susunod na Lunes, Mayo 4.

Ang kutob na ito ni Sotto ay dahil alam niya na marami sa mga senador ang nais nang mag-trabaho.

Ngunit aniya kahit mag-isa siya na magtutungo sa Senado para sa pagbabalik sesyon ay gagawin niya sa katuwiran na kailangan niyang sundin ang inihanda nilang legislative calendar na ayon naman sa nakasaad sa Saligang Batas.

Isa pa aniya na dapat nilang gawin ay parangalan ang namayapang dating Sen. Heherson Alvarez

Banggit ni Sotto may mga mahahalagang isyu na dapat na matalakay sa sesyon, partikular na ang resolusyon para maimbestigahan ang dalawang taon nang pagkakabinbin sa pagpapatupad ng National ID System.

Bukas din ang namumuno sa Senado sa mga suhestiyon ng ilang kapwa senador na mag-sesyon na lang sila sa pamamagitan ng tele-conferencing.

Ang bagay na ito sabi pa ni Sotto ay kailangan din talakayin at pagbotohan ng mga senador sa Session Hall.

 

 

TAGS: Senate, session hall, Vicente Sotto III, Senate, session hall, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.