Chinese doctor arestado sa ilegal na operasyon ng klinika sa Parañaque
Arestado ang isang Chinese doctor na nagpapatakbo ng isang ilegal na Chinese clinic sa Parañaque City.
Ang klinika ng suspek na si Yumei Liang alyas Liza Qu ay tumatanggap pa ng mga pasyenteng mayroong coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ginawa ng mga tauhan ng business permit and licensing office (BPLO) at city health office ang pagsalakay sa Chinese Clinic a nasa no. 3985 Lt. Garcia St. corner Airport Road, Barangay Baclaran.
Nakuha sa suspek ang kahun-kahong gamot na may nakasulat sa Chinese character at English markings na “Linhua Qingwen Jiaonang”, “Shuang Huang Lian Kou Fu Ye” at compound amino acid injection na gawa ng Kelum Pharmaceutical sa China.
Ang nasabing mga proukto ay ibinebenta ng suspek sa halagang P100,000.00 kada isang kahon na naglalaman ng 400 packs.
Ayon kay Atty. Melanie Malaya, hepe ng BPLO, dalawang buwan nang operational ang nasabing medical clinic.
Nilabag ng suspek ang ilang city ordinances na kinabibilangan ng city revenue code, operating without mayor’s permit, no working permit at Republic Act (RA) 3720 (Food, Drug, and Cosmetic Act of 2009) at RA 11469 (Bayanihan to Heal as One Act).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.