Locsin napamura sa sitwasyon ng mga OFW sa OWWA quarantine facility

By Dona Dominguez-Cargullo April 27, 2020 - 09:36 AM

Napamura si Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. sa naging sitwasyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa quarantine facility ng OWWA.

Sa video na ibinahagi sa Twitter ng OFW na si Eric Cabahug, sinabi nitong noong sila ay nasa isolation sa Kuwait ay maayos silang naasikaso at nasunod ng tama ang social distancing.

Pero nang dumating sila sa OWWA, dikit-dikit ang mga kutson na kanilang tinulugan.

Inihalo din sila sa mga OFW na galing ng Dubai, Korea, at iba pang bansa.

Dahil dito, nangangamba silang mas tumaas pa ang posibilidad na sila ay mahawa sa COVID-19.

Ikinadismaya ni Locsin ang naturang sitwasyon ng mga OFW.

Mabuti aniya at mayroon nang cellphone cameras na nakapagre-record ng sitwasyon.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, DFA, Health, Inquirer News, News in the Philippines, OWWA, quarantine facility, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, DFA, Health, Inquirer News, News in the Philippines, OWWA, quarantine facility, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.