Bigtime increase sa presyo ng LPG ipatutupad sa May 1
By Dona Dominguez-Cargullo April 27, 2020 - 07:02 AM
Tataas ang presyo ng Liquified petroleum gas o LPG sa susunod na buwan.
Sa pagpasok ng buwan ng Mayo, tinatayang P3 hanggang P5 ang itataas sa bawat kilo ng LPG.
Mangangahulugan ito ng P33 hanggang P55 na pagtaas sa bawat 11 kilogram na tangke ng LPG.
Ang pagtaas ng presyo ng LPG ay ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa May 1.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.