LTFRB nagtakda na ng deadline sa pag-install ng GPS sa mga pampasaherong bus
May itinakda ng schedule ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa paglalagay ng global positioning system (GPS) sa lahat ng pampasaherong bus sa bansa.
Apat na GPS brands ang napili ng LTFRB na kinabibilangan ng Atrack, M-Rex Tracker, Vectras, at Unitrack.
Ayon kay LTFRB Chairperson Winston Ginez, layon ng paglalagay ng GPS sa mga pampasaherong bus na maiwasan na ang peligro sa mga lansangan.
Sa pamamagitan kasi ng GPS tracking mamomonitor na ang bilis ng takbo ng mga bus lalo na kung lumalagpas ito sa speed limit.
Sa memorandum circular ng LTFRB, lahat ng bus operators ay dapat makapag-install at makapag-register ng GPS devices base sa sumusunod na schedule:
• Provincial buses na pumapasok sa Metro Manila – on or before April 30, 2016
• Metro Manila buses – mula May 1 hanggang August 30, 2016
• Inter-regional buses na hindi pumapasok sa Metro Manila – mula Sept. 1 hanggang Dec. 31, 2016
• Intra-regional buses – mula January 1 hanggang April 30, 2017
Kapag may naka-install nang GPS, mamomonitor din kung ang bus ay bumibiyahe ng labas sa kanilang ruta.
Ang gma bus companies at operators na mabibigong makasunod s autos ng LTFRB ay pagmumultahin ng P5,000 kada unit. At dagdag na P1,000 per unit sa kada buwan na mabibigo itong makapag-install ng GPS.
Ang mga matutuklasan namang namemeke ng GPS ay papatawan ng P5,000 sa first offense, P10,000 sa second offense, at P15,000 sa third offense.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.