San Jose, Occidental Mindoro nakapagtala ng pinakamataas na heat index kahapon
Nakapagtala ng mataas na heat index ang maraming lugar sa bansa kahapon, Linggo, April 26.
Ayon sa huling datos ng PAGASA, nakapagtala ang bayan ng San Jose, Occidental Mindoro ng pinakamataas na heat index na umabot sa 46 degrees Celsius (alas-11 ng umaga).
Naitala naman ang 45 degrees Celsius sa Sangley Point, Cavite (alas-2 ng hapon) sumunod na nakapagtala ng mataas na heat index ang Casiguran, Aurora na umabot aa 44 degrees Celsius (alas-2 ng hapon).
Pawang nakapagtala naman ng 43 degrees Celsius na heat index ang Calapan City at Dagupan City (alas-2 ng hapon).
Samantala, pumalo naman sa 40 degrees Celsius ang naitalang heat index sa Metro Manila sa bahagi ng Science Garden, Quezon City bandang 3:30 ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.