Donasyon ng PNP para sa mga apektado ng ECQ, umabot na sa higit P200-M
Maliban sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine, lumikon din ng pondo ang Philippine National Police (PNP) para makapagbigay ng tulong sa mga lubos na apektado ng lockdown bunsod ng COVID-19.
Umabot na sa P208.1 milyon ang nalikom na pondo ng “#Team PNP Bayanihan Fund Challenge” sa pamamagitan ng boluntaryong kontribusyon ng mga tauhan ng PNP mula sa kanilang sahod.
Nahigitan nito ang unang target na P200 milyon.
Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, ang Bayanihan Fund Challenge na tinawag ding bersyon ng PNP na “SAP” o “Sariling Alay ng Pulis” para sa mahirap ay layong makatulong sa mga “poorest of poor” na higit na apektado ng ECQ sa Metro Manila at iba pang lugar.
May kaugnayan din ang Bayanihan Fund Challenge sa isa pang voluntary donation drive ng PNP na “Kapwa Ko, Sagot Ko!” Adopt a Family Program.
“Latest total donation of police personnel to the “Kapwa Ko, Sagot Ko” or KKSK Program has supported over 141,000 poor families throughout the country or equivalent to P81 million worth of assistance which together with the PNP Bayanihan Fund Challenge will help augment the government’s social amelioration program,” ayon kay Banac.
“As our President Rodrigo Roa Duterte is firm on imposing strict measures thru the PNP and the AFP to contain the Pandemic, we call on the heroism of our fellow Filipinos who are able to share their own resources to do their own Bayanihan and Kapwa Ko, Sagot Ko contribution to help our poor brothers and sisters particularly our less fortunate children endure being homeliners for us to finally Win and Heal as One Nation over this Pandemic,” dagdag pa ng opisyal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.