BREAKING: Bilang ng gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas, nadagdagan ng 70

By Angellic Jordan April 26, 2020 - 04:11 PM

Nasa 70 ang panibagong napaulat na gumaling sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Linggo ng hapon (April 26), 862 na ang total recoveries ng nakakahawang sakit sa bansa.

Pito naman ang napaulat na nasawi dahilan para ang COVID-19 related deaths ay umabot sa 501.

Samantala, pumalo na sa 7,579 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 pandemic sa buong bansa.

Sinabi ng kagawaran na 285 ang panibagong napaulat na nagpositibo sa sakit.

TAGS: breaking news, COVID-19 breaking news, COVID-19 cases in the Philippines, COVID-19 monitoring, doh, Inquirer News, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 breaking news, COVID-19 cases in the Philippines, COVID-19 monitoring, doh, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.