Ayon sa alkalde, kahit hindi pa natatanggap, ilalaan ang buong halaga nito para ibigay sa mga residente sa Navotas City na hindi nakatanggap ng cash subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
Pina-compute ng alkalde ang buong malilikom na donasyon at aabot ito sa P3,291,809.76.
Sinabi pa ni Tiangco na ipauubaya niya sa Navotas CSWDO ang pagpili ng mga mabibigyan at halaga ng ibibigay.
Payo nito, isipin nang mabuti kung magkano ang ibibigay at sino ang bibigyan sa lungsod.
“Hindi po gusto ng CSWDO na mamili. Sa tingin ko walang matinong tao ang gugustuhin ang responsibilidad na ito, gayong alam naman natin na hindi lahat ay mabibigyan. Ang pakiusap ko lang, ‘wag tayong magalit sa kanila kung hindi tayo mapipili. Mahirap po talaga itong gawin,” pahayag pa ng alkalde.
Umaasa naman si Tiangco na makakatulong ang nasabing halaga ng donasyon para mabawasan ang dinadanas na hirap ng mga lubos na apektado ng enhanced community quarantine dulot ng COVID-19.