Naka-quarantine na OFW nagbigti sa Pasay motel

By Jan Escosio April 26, 2020 - 02:35 PM

Nagtagumpay na sa pangalawang pagkakataon ang isang overseas Filipino worker o OFW sa kanyang pagsu-suicide.

Araw ng Linggo bandang 6:00 ng umaga nang matagpuan ang nakabitin na si Algen Cadungog, 42-anyos, sa ilalim ng hagdanan ng Lisa Lodge sa Cuneta Avenue, Pasay City.

Gumamit ng isang piraso ng tela ang tubong Libungan, Cotabato na biktima para magbigti.

Nabatid na dumating sa bansa ang biktima mula sa Kuwait noong Abril 4 at agad itong isinailalim sa mandatory quarantine.

Sa Kuwait ay nagtangka na rin magpakamatay ang biktima sa hindi pa malinaw na kadahilanan.

Huling nakitang buhay ang biktima dakong 4:00 ng madaling araw, araw ng Linggo (April 26) at kapansin-pansin ang kanyang pagkabalisa.

Kumikilos na ang OWWA para maipaalam sa pamilya ng biktima ang pangyayari.

TAGS: Algen Cadungog, Inquirer News, OWWA, Radyo Inquirer news, suicide, Algen Cadungog, Inquirer News, OWWA, Radyo Inquirer news, suicide

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.